Ito ang una kong sinulat sa aking "blog ",
Estorya ng kasawian at isang hikbi sa magdamag.
Ang sabi'y pag-ibig na biglang naudlot,
Na sakit at kirot sa puso'y tanging dulot.
Isang prinsesang may galak ang tingin ng lahat sa kanya,
At di maitatanggi ang kagandahan niya.
Isa siyang perpektong larawan sa tingin pa lang,
Pero lingid sa lahat , dama niya ang kakulangan.
Inibig siya ng isang prinsipeng nababagay sa kanya,
Lalakeng tanging siya ang sinisinta.
Sa buong buhay nito'y siya'y ginawang mundo,
Ngunit kahit minasan ay di tumibok ang kanyang puso.
Siya ngayo'y prisesa na pumipili ng nadarama,
Ang puso ba o ang nararapat sa kanya ?
Pinili niyang huwag pakinggan ang himig at tibok nito,
Umaasang titibok sa yaring Prinsipe at 'di magdurugo.
"Minamahal niya ito" , 'yan ang kanilang naririnig,
"Sila ang tinadhana" , 'yan ang bukambibig.
Pinapakita'y kaligayahan na lumilipad tulad ng guryon,
Ngunit sa puso ay may wari'y ambon.
Lumipas ang araw , buwan at taon,
Ang nadarama'y hindi inangkin at naalagaan ng panahon.
Puso ng Prinsesang Rosas ay ni minsan ay 'di tumibok,
Pag-ibig ay nanatili kung saang iniwang sulok.
Siya'y nagtakda na maglalayag sa ibang pahina ng buhay,
Tanging pag-asa'y pag-ibig na dalisay at tunay.
Isang araw ang orasan at buhay niya'y huminto,
Sa unang pagkakataon ay tinamaan ng kidlat ang puso!
Umibig siya at umibig sa tingin niyang minamahal niya,
Sa piling ng Kawal ay may damdaming naiiba.
Iniwan ang lumuluhang Prinsipe sa nakaraan niyang talata,
Sinunod ang bulong ng pusong at dama niya ay pawang tama.
Lumipas ang yugto'y nahanap niya ang sarili sa isang sitwasyon.
Damdami'y pinaglalaruan ng tadhan at emosyon.
Sa bagong mahal ay mayroon ng sinta at tumatangi,
Sa lahat ng pag-ibig at sakripisyo'y luha ang ganti!
Ngayon siya ay naghihintay na tangi niyang sinta,
Umaasang may kalyaan ang ngayo'y hari niya.
At siya ngayong tinagurian na Reyna ng paghihintay at kalungkutan,
Na sana ay 'di niya nadama kung tinapos niya ang hangganan.
Siya'y nalilito kung ano ang dapat sundin at gawin,
Siya ba ay maghihintay o magiging bingi sa sigaw ng damdamin ?
No comments:
Post a Comment